Puganteng Kano ipina-deport ng BI
Ipinag-utos kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ang pagpapatapon palabas ng bansa ng isang puganteng Amerikano na wanted sa mga awtoridad sa Estados Unidos dahil sa pagpatay sa kanyang buntis na asawa 25 taon na ang nakalilipas.
Sinabi ni Libanan na matapos madakip si Robert Saquil Besabe, 51-anyos agad niyang ipinag utos sa BI law and investigation division ang pagpapatapon dito palabas ng bansa.
Nadiskubre na ang naturang dayuhan ay nahaharap sa kasong first degree murder at second degree felony murder sa superior court ng
Inilagay na rin sa blacklist ng BI si Besabe, upang hindi na ito makabalik pa ng bansa.
Sinabi naman ni BI Technical assistant for intelligence Victor Boco, nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Besabe simula pa noong Agosto 16,1982.
Ito ay matapos niyang barilin ang kanyang asawang si Carolyn Montoya na
- Latest
- Trending