^

Metro

Holdaper dedo sa engkuwentro

-

Patay ang isang hinihinalang holdaper makaraang makipag­ba­­rilan  sa mga kagawad ng pu­lisya sa isang habulan kama­ka­lawa sa Novaliches, Quezon City.

Patuloy na inaalam ng pu­lisya ang pagkakakilanlan sa nasawi na inilarawan na nasa pa­gitan ng edad na 25-30 anyos, may taas na 5’5’’, ka­tam­taman ang katawan, naka­suot ng jacket na itim, maong na pantalon at puting t-shirt.

Sa ulat ng Quezon City Po­lice District-Station 4, naganap ang barilan dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa gilid ng Nova Mall sa Novaliches, ng naturang lungsod.

Nabatid na unang hinoldap ng suspek ang biktimang si Jason Ramos, ng #256 Gen. Luis St., Novaliches habang nagla­lakad ito sa kabayanan.  Hindi na nakapalag ang biktima nang tutukan siya ng suspek ng kalibre .38 baril at tangayin ang lahat ng kanyang dalang gamit at pera.

Agad namang iniulat ni Ra­mos ang insidente sa istasyon ng pulisya na mabilis na rumes­ponde sa lugar.  Na­batid naman na sa halip na mag­tago na, tila hindi pa kuntento ang suspek sa kanyang nata­ngay sa biktima at tumambay pa ito sa harap ng mall upang mag-abang muli ng mabibiktima.

Dito ito namataan ng mga pulis kung saan isang habulan ang naganap.  Ayon sa pulisya, nakorner nila ang suspek sa Buenaflor Subdivision kung saan una umanong nagpaputok ang suspek kaya napilitan silang gumanti sanhi upang tamaan ito sa katawan na nagdulot ng kanyang kamatayan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUENAFLOR SUBDIVISION

DANILO GARCIA

JASON RAMOS

LUIS ST.

NOVA MALL

NOVALICHES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with