^

Metro

PNP may kakasuhan sa Glorietta blast

- Joy Cantos -

Nakatakdang mag­sampa ng kasong krimi­nal ang Philippine Na­tional Police (PNP) laban sa lahat ng taong res­pon­sable sa madugong pag­sabog sa Glorietta 2 mall sa Makati City noong Oktubre 19 na ikinasawi ng 11 katao, habang ma­higit pa sa 100 ang na­sugatan.

Ayon kay National Capital Region Police Office  (NCRPO)  Chief  P/Director Geary Barias ang kaso ay isasampa nila sa Department of Justice (DOJ) sa loob ng linggong ito. Ito’y ma­tapos na matukoy ng PNP na gas leak explo­sion ang naganap na pagsabog.

Hindi pa pinangala­nan ng PNP kung sinu-sino ang kanilang kaka­su­han sa naturang in­sidente.

Magugunitang, na­una nang pumalag ang Ayala Land Incorpo­ration sa planong pagsa­sampa ng kaso ng PNP kasabay nang pagsa­sabing   im­po­­sible uma­no ang teor­yang me­thane gas na humalo sa diesel fuel ang sanhi ng trahedya.

 Sa panig naman ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Luizo Ticman, pinuno ng binuong Multi Agency Investigating Task Force (MAITF) na pangunahing nag-im­ bes­tiga sa Glorietta blast, sinabi nito na lahat ng ebidensya ay tumu­tukoy sa kapabayaan ng ilang organisasyon sa nang­yaring pagsabog.

Nani­niwala ang opis­yal na malakas ang ka­nilang kaso laban sa mga per­sonalidad na sasam­pa­han ng asunto hinggil sa insidente.

AYALA LAND INCORPO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR CHIEF SUPT

DIRECTOR GEARY BARIAS

GLORIETTA

LUIZO TICMAN

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with