^

Metro

Saksak para sa utol, sinalo ni kuya

-

Patay  ang isang kuya makaraang saluhin nito ang mga saksak mula sa isang sheriff na para sana sa kanyang nakaba­batang kapatid, kama­kalawa ng gabi sa Caloo­can City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Far Eastern University (FEU) Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan si Crisencion Dugo, 25 , ng Kupang St., Block 32, Brgy. 179, Amparo ng nabanggit na lungsod.

Kasa­lukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspect na si Erwin Bermejo, 23, sheriff ng Kampanilya Law Firm at naninirahan naman sa Midway Park Subdivision, Quirino High­­way, Brgy. 183, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang nasabing insidente malapit sa bahay ng suspect. Nabatid na bago ang insidente ay nakita ng biktima ang kanyang kapatid na nakikipag-away sa grupo ng suspect sa hindi malamang kadahilanan na agad naman nitong inawat.

Agad namang naawat ang away at umuwi ng kanilang bahay ang suspect ngunit makalipas ang ilang sandali ay muli itong bumalik at nang makita ang batang Dugo ay agad na inakmaan ng saksak, subalit mabilis na pumagitna umano ang biktima at dahilan upang ito ang sumalo ng saksak na dapat ay sa kanyang utol. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BRGY

CRISENCION DUGO

ERWIN BERMEJO

FAR EASTERN UNIVERSITY

KAMPANILYA LAW FIRM

KUPANG ST.

MIDWAY PARK SUBDIVISION

QUIRINO HIGH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with