Di nagpaabot sa Pasko

Isang padre de pamilya na si Domingo Calimac, 53, ng Velasquez, Tondo, Manila ang hinihinalang nagpa­tiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng kemikal na pampatay ng daga sa loob ng kanyang kuwarto ka­ hapon ng hapon. Tumanggi na ang pamilya ng biktima na ipaaw­top­siya ang bangkay sa paniniwalang simpleng kaso ng suicide at walang foul play ang nangyari. Wala ring isini­walat na dahilan kung bakit naisipang mag­pati­wakal ng biktima sa kabila ng walong araw na lamang ay sasapit na ang Pasko. Sa hiwalay na ulat, dahil sa labis na kalung­­kutan at kabiguang maka­piling ang kanyang magulang sa darating na Pasko, isang poultry helper ang natagpuang patay makaraang mag­patiwakal sa pama­magitan ng pag-inom ng lason kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Matigas na ang buong katawan nang matagpuan sa kanyang silid-tulugan ang biktimang si Rolando Plata, 31, ng 2495 P. Villanueva St., ng na­banggit na lungsod. (Ludy Bermudo at Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments