Sinalpok ng bangka, patay

Isang mangingisdang si Ronnie Martinez, 37, ang na­sawi habang  nasugatan ang ka­sama niyang si Vincent Torres, 32, nang ang kanilang bangka ay aksidenteng sinalpok ng isa ring malaking bangka ng dayong mangi­ngisdang si Ramon Poder sa karagatan ng Navotas City  kahapon ng ma­daling-araw. Sumuko naman sa mga awtoridad si Poder. (Lordeth Bonilla)

Show comments