Bata, 6, minolestiya ng binatilyo, 16
Isang 16-anyos na binatilyong itinago sa alyas na Henry ang inireklamo kahapon sa pulisya dahil sa umano’y panghahalik niya sa ‘ari’ ng isang anim na taong gulang na batang babaeng itinago sa alyas na ‘Baby’ habang naglalaro sila ng bahay-bahayan sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Sinabi ng ina ni Baby sa Women’s and Children Concerned Desk ng Caloocan City Police na, noong tanghali ng Disyembre 2, hinahanap niya ang kanyang anak para mananghalian nang mapadpad siya sa isang bakanteng bahay na katabi ng bahay ng suspek.
Sinabi ng ginang na kitang-kita niyang nakababa ang panty ng kanyang anak, nakaluhod ang suspek sa harap nito at parang asong ulol umanong pinaghahalikan ang ari ng bata. Sa puntong ito ay nagsisigaw ang ina ng bata kung ano ang ginagawa nito sa kanyang anak subalit sumagot lang umano si Henry na naglalaro lang sila ng bata ng bahay-bahayan.
Subalit nang tanungin ng imbestigador ang bata ay sinabi nito na pinilit umano siyang hubaran ng suspek at hinalikan ang kanyang ari dahil maglalaro sila ng bahay-bahayan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending