Bar grinanada: 7 sugatan
Sugatan ang pito katao matapos hagisan ng
Nag-aagaw buhay sa pagamutan ang isa sa biktima na si Mark Anthony Dimaano, 25, binata,anak ng isang pulis.
Ilan pa sa mga sugatan ay sina Angelo Bautista, 25; Ma Catherine Escueta, 21; Jaime dela Cruz Jr.; Earl Patrick Diaz, Rolando Patilla, 23; isang waiter at Juan Paolo Cartagen, 28.
Tukoy na ng Parañaque City Police ang may-ari ng itim na Nissan Exalta na may plakang RSM-777, na sinasakyan ng nanghagis ng granada matapos iberipika sa Land Transportation Office ang nasabing plate number, kung saan lumitaw na pag-aari ng isang nagngangalang Rivero Manabat, ng #1710 Remigio St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Rewind Music Lounge and Resto Bar na matatagpuan
Sa pahayag ng testigong si Jerome Daicing, 22, nakatayo siya malapit sa naturang establisimiyento, nang makita nito ang Nissan Exalta at Toyota Corolla model 96 na hindi nakuha ang plaka na huminto sa harapan ng naturang bar.
Dalawang lalaki ang lumabas mula sa mga nabanggit na sasakyan at lumakad patungo sa bar at ilang saglit at bumalik kaagad sa kanilang sasakyan. Ilang sandali lamang isang lalaki ang nakita niyang bumalik at naghagis ng isang bagay kung saan kasunod na lamang ang malakas na pagsabog.
Nabatid na isang grupo lamang ang mga biktima na nag-iinuman sa loob ng ng bar kung saan may hinalang ang puntirya ng mga suspect ay ang anak ng pulis na si Dimaano. Isang
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending