^

Metro

Houseboy ‘tinalo’ ang amo, timbog

-

Isang houseboy ang ipinaaresto ng kanyang amo  matapos na tangayin nito ang P48,000 upang ga­mitin sa pagtatanan, kamakalawa ng umaga sa Manda­luyong City. Kinilala ang suspek na si Michael Ramos, 19, binata, houseboy at nakatira sa #596 Sitio 3, Barrio San Jose, ng nabanggit na lungsod. Inireklamo ito ng kan­yang among si Jose Francisco. Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ng biktima na wala na ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P48,000 na nakalagay sa drawer ng cabinet nito.

Napag-alaman na noong Dec. 12 dakong alas-11 ng umaga nang bigla na lamang umalis ang suspek sa bahay ng biktima nang walang paalam. Nabatid na hindi na bumalik pa ang suspek sa bahay ng kanyang amo kung kaya naghinala ito na ang suspek ang nagnakaw ng nasabing halaga ng pera. Samantala, nakatanggap ng isang tawag si Francisco mula sa isang babae na nag­pakilala na  kaibigan ng suspek at sinabi nito na alam niya kung saan pwedeng matagpuan ang kanyang ka­tulong na nakatakdang makipagkita sa kanyang kasinta­han sa Chowking Parañaque. Dahil dito, agad na nag­tungo sa nasabing food chain ang biktima kasama ang  mga pulis at pagpasok ng mga ito sa nasabing food chain ay namataan na nila ang suspek at agarang dinakip.  Sa himpilan ng pulisya ay nakuha sa pag-iingat ng suspek ang perang nagkakahalaga ng P13,000 at sinabi nito na yun na lamang ang natitira sa ninakaw niyang pera na ga­gamitin sana sa pagtatanan sa nobya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BARRIO SAN JOSE

CHOWKING PARA

EDWIN BALASA

JOSE FRANCISCO

MICHAEL RAMOS

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with