^

Metro

Nang-hostage sa Pasay, utas

- Angie dela Cruz, -

Isang 40-anyos na binata ang nabaril at na­patay ng mga pulis ma­tapos nitong i-hostage ang nililigawan niyang boarder at dalawa niyang pamangkin kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Manila Sanitarium Hospital ang suspect na si Renato Pascual,  resi­dente ng  #114 Humilidad St., ng nasabing lungsod sanhi ng tinamo nitong   dalawang tama ng bala  sa ulo at sa kanang braso buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ginagamot naman sa nabanggit na pagamutan ang pamangkin ng na­sawi si  Gladys Pascual, 32,  ng #1721 Cuyegkeng St., Pasay City nang ta­maan ito ng ligaw na bala sa tuhod. Na-rescue naman ang boarder na si Marnelli Licyag, 21, em­pleyada at isa pang pa­mangkin ng suspek na si April Javinar, 27.

Sa report na natang­gap ni Sr. Insp. Reynaldo Paculan, hepe ng Crimi­nal Investigation Division (CID) ng Pasay City Police, naganap ang in­sidente dakong alas-12 ng madaling-araw sa bahay ng suspek.

Galing sa comfort room ang biktima upang kumuha ng tubig, pag­labas ng dalaga nakasa­lubong nito ang suspek na may dalang jungle bolo.

Agad na tinutukan ng suspect ang dalaga  at pinapasok ito sa CR,  hanggang sa ikinulong ito at hinostage. Pinuntahan naman ito ng kanyang mga pamangkin na sina Gladys at Javinar ang suspect para pakiusapan ito na pakawalan ang bihag, sa halip, maging silang dalawa ay pinigil din ng suspect na tiyo.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis at pinakiusapan ang sus­pect, subalit tila wala na ito sa sarili kaya napilitan na ang pulisya na papu­tu­kan ito na naging dahi­lan ng kanyang kamata­yan. Tinamaan din ng ligaw na bala ang isa sa mga bihag na si  Gladys.

vuukle comment

APRIL JAVINAR

CUYEGKENG ST.

GLADYS

GLADYS PASCUAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with