^

Metro

6 na parak kinasuhan sa San Juan jailbreak

-

Kinasuhan na kahapon ng Eastern Police District (EPD) sa Ombudsman ang anim na San Juan police kabilang ang da­la­wang opisyal dahil sa naganap na jailbreak sa ka­nilang deten­tion cell kung saan nakatakas ang anim na preso noong Dis­yembre 6 ng taong ito.

Ayon kay EPD chief Sr. Supt. Leon Nilo dela Cruz, kasong violation of Article 224 o evasion through negligence ang isinam­pang kaso kina Chief Insp. Jose Ogbac, Sr. Insp. Ricardo Marzo, SPO1 Romeo Gamboa, SPO1 Rafael Quezon Jr., PO2 Rio Tuyay at PO2 Serafin Gatan.

Kung mapapatunayang nag­kasala ang mga nasabing pulis ay mapaparusahan ang mga ito ng mula anim na buwan hang­gang anim na taong pag­ kaka­kulong bukod pa sa auto­ma­tikong pagka­sibak sa ser­bisyo at hindi rin puwedeng hu­mawak ng kahit anong posis­yon sa gob­yerno, pahayag ni dela Cruz.

Sa ginawang imbestigas­yon ng pamunuan ng EPD luma­labas na nagkaroon ng pagku­kulang ang mga na­sabing pulis dahilan upang magkaroon ng jail­break sa San Juan police station.

Matatandaang noong Dis­yembre 6 ng madaling-araw ay nakatakas ang anim sa labing­walong preso sa ginagawang San Juan detention cell sa pa­ma­­magitan ng pagsira sa bakal na pintuan ng kulungan. (Edwin Balasa)

CHIEF INSP

CRUZ

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

JOSE OGBAC

LEON NILO

RAFAEL QUEZON JR.

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with