Kelot todas sa holdap

Hinihinalang  biktima ng holdap ang isang 41-anyos na lalaki makaraang matagpuan itong patay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Nakilala ang biktima na si Al Celedeno,  aircon technician, residente ng # 391 Pavia st., Tondo, Maynila  ay idinekla­rang dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente. Batay  sa  ulat,  natagpuan ang biktima dakong alas- 5:15 ng umaga  sa panulukan ng Alburquerque St. at Rajah Matanda  St.,  Tondo, Manila.

Wala na umano ang nokia cellphone ng biktima ng ito ay matagpuan kung saan nagtamo ito ng dalawang saksak sa katawan. Sinabi ng pulisya na posible umanong lumaban ang biktima sa suspek kung kaya ito pinatay. (Grace dela Cruz)

Show comments