Kelot todas sa holdap
Hinihinalang biktima ng holdap ang isang 41-anyos na lalaki makaraang matagpuan itong patay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Nakilala ang biktima na si Al Celedeno, aircon technician, residente ng # 391 Pavia st., Tondo, Maynila ay idineklarang dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente. Batay sa ulat, natagpuan ang biktima dakong alas- 5:15 ng umaga sa panulukan ng Alburquerque St. at Rajah Matanda St., Tondo, Manila.
Wala na umano ang nokia cellphone ng biktima ng ito ay matagpuan kung saan nagtamo ito ng dalawang saksak sa katawan. Sinabi ng pulisya na posible umanong lumaban ang biktima sa suspek kung kaya ito pinatay. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending