^

Metro

98 kriminal huli sa MM

-

Umaabot sa 98 kriminal  na sangkot sa iba’t-ibang uri ng street crime ang nasakote ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng isang linggong ope­rasyon sa Metro Manila.

Sa ginanap na Talakayan sa Isyung Pampulis (TSIP) sa Camp Crame kahapon, iniha­rap ni NCRPO Chief Director Geary Barias sa mediamen ang mga nasakoteng suspect.

Ayon kay Barias ang 98 na­sakoteng kriminal ay bunsod ng pinalakas na street crime prevention ng limang Police Districts sa Metro Manila par­tikular na nga­yong nalalapit na ang kapas­kuhan.

Kabilang sa mga nasakote ay mga notoryus na kriminal na sangkot sa street level drug pushing, robbery/holdup, snat­ching, theft, estafa/swindling at iba pang uri ng street crimes.

Sinabi ni Barias na ang mga suspect ay nasakote alinsunod sa pinaigting na Night Watch patrol system at ang “Oplan Mamang Pulis at Mamamayan, Bayanihan Para sa Mapaya­pang Kapaskuhan operations.”

Inihayag pa ng opisyal na partikular na mahigpit na bina­bantayan ay ang mga lugar na natukoy na hotspot sa Metro Manila at ang mga flea market kung saan madalas magsa­mantala ang mga kriminal.

Kabilang naman sa natu­koy na crime prone areas ay ang Bagong Silang sa Caloo­can City, Commonwealth, Edsa at Aurora Boulevard sa Quezon City; CM Recto at Taft Avenue sa lungsod ng Maynila at maraming iba pa .

Sa mga flea market na ma­dalas pangyarihan partikular na ang pandurukot, bag slashing at snatching  ay ang Quiapo, Baclaran, Parañaque City at Divisoria. (Joy Cantos)

AURORA BOULEVARD

BAGONG SILANG

BAYANIHAN PARA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with