^

Metro

Mister  tinadtad ng saksak ng tambay

-

Agaw-buhay sa paga­mutan ang isang mister nang mapag­katuwaan itong sak­sakin ng isang tambay habang ang una ay naglalakad sa isang ma­dilim na lugar, ka­hapon ng ma­daling-araw sa Pasay City. Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa intensive care unit ng San Juan de Dios Hospital sanhi ng mga   saksak sa tiyan, kaliwang dibdib at iba pang parte ng katawan ang bikti­mang Tata Sandoval, resi­dente ng Olivarez Compound, Para­ña­que City. Batay sa ulat, dakong alas-12:50 ng mada­ling-araw nang mangyari ang  insidente sa Don Carlos Village, Pasay City. Nabatid na nagla­lakad ang biktima sa  bahagi ng Don Carlos Village nang ma­daanan ang isang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman sa na­turang lugar. Isang lalaki umano ang sumunod sa biktima na armado ng patalim at pagsapit sa madilim na lugar, inundayan ang huli ng sunod-sunod na saksak hanggang sa duguan itong humandusay. Ang bik­tima ay agaw-buhay namang na­tagpuan ng Brgy. Tanod na si Marlon dela Cruz at agad niyang dinala ito sa nabanggit na pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro at Angie dela Cruz)

CRUZ

DIOS HOSPITAL

OLIVAREZ COMPOUND

PASAY

PLACE

PLACENAME

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with