Pastor itinumba

Pinatay sa saksak ang isang 51-anyos na pastor ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay natutulog sa loob ng kanyang kuwarto kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila    Central University Hospital si Lemuel Umali, may asawa, ng #508 West Reparo, West Bagong Barrio ng nabanggit na lunsod bunga ng malalalim na saksak sa katawan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa salarin.

Ayon sa salaysay ng  asawa ng biktima na si Ruby, 43, mahimbing silang natutulog nang pumasok ang hindi nakilalang salarin  na nakasuot ng itim na bonnet at inatake ng saksak ang pastor. (Lorderth Bonilla)

Show comments