^

Metro

Ex-warden sabit

-

Nahaharap ngayon sa mas matinding gusot ang dating warden ng Manila City Jail matapos na iutos ng Makati City Regional Trial Court ang imbesti­gasyon laban dito dahil sa iligal na pagpapalaya sa isang Japanese national na nahaharap sa kasong “large scale illegal recruitment”.

Inatasan ni Makati RTC branch 138 Judge Alberico Umali si Bureau of Jail Management and Penology Chief Director Ar­mando Llamasares na imbestigahan ang tauhan nitong si J/Supt. Renato Gacutan dahil sa pagpa­palaya kay Hisaaki Suzuki, alyas “Aki”.

Base sa rekord, pina­laya si Suzuki mula sa Manila City Jail na nasa ilalim pa ni Gacutan bilang warden nitong nakaraang Oktubre 18 matapos na maglagak ng piyansa sa Manila Municipal Trial Court branch 2 at 21 kung saan kapwa may kinaka­harap itong kaso.

Nabatid naman na may nakabinbin palang kaso ng large scale illegal recruitment na walang katumbas na piyansa si Suzuki.  (Danilo Garcia)

AKI

DANILO GARCIA

GACUTAN

HISAAKI SUZUKI

JUDGE ALBERICO UMALI

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MANILA CITY JAIL

MANILA MUNICIPAL TRIAL COURT

RENATO GACUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with