Ex-US Army timbog sa shabu sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group ang isang dating kasapi ng United States Army  na nagtangkang magpuslit ng methamphetamine hydrochloride o shabu at drug paraphernalia palabas sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2  kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Police  Center for Aviation Security, ang pasahero na si Kenneth Francis Black, 44, ng Incheon, South Korea.

Sa report ng 1st PCAS, nakatakda sanang su­makay si Black sa Philippine Airlines flight PR-466 patungong Korea kasama ang kanyang asawang si Katherine nang masabat sa final security check-in area dakong alas-3 ng madaling araw. (Ellen Fernando)

Show comments