Ex-US Army timbog sa shabu sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group ang isang dating kasapi ng United States Army na nagtangkang magpuslit ng methamphetamine hydrochloride o shabu at drug paraphernalia palabas sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Senior Supt. Efren Labiang, hepe ng 1st Police Center for Aviation Security, ang pasahero na si Kenneth Francis Black, 44, ng Incheon, South Korea.
Sa report ng 1st PCAS, nakatakda sanang sumakay si Black sa Philippine Airlines flight PR-466 patungong Korea kasama ang kanyang asawang si Katherine nang masabat sa final security check-in area dakong alas-3 ng madaling araw. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending