^

Metro

Binata nanipol, binoga

-

Nasa kritikal na kondisyon ang isang 22-anyos na binata   makaraang barilin ito sa ulo ng tatlong hindi nakikilalang suspek kabilang ang isang babae nang  sipulan umano ng una ang huli kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ng di-nabatid na kalibre ng baril ang biktimang si Christopher Malicsi, 22, ng Bagong Kalsada, Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Tinutugis na rin ng mga awtoridad ang mga suspek. Dalawa lamang sa mga ito ang nakilala na sina  Almira Bonzon, 22  at isang alyas Toto Pilo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa  di-kalayuan sa bahay ng biktima.

Nabatid, kasalukuyang naglalakad at napadaan ang mga suspek kasama si Bonzon sa harap ng biktima nang sipulan nito ang huli na ikinagalit ng grupo ng mga suspect. 

Dito, walang kaabug-abog na bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at agad na pinutukan ang biktima na tinamaan sa ulo bago  mabilis na tumakas ang mga salarin, habang mabilis namang isinugod ng ilang saksi si Malicsi sa pagamutan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALMIRA BONZON

BAGONG KALSADA

BARANGAY TANGOS

CHRISTOPHER MALICSI

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with