^

Metro

Kuta ng ‘cyber porno’ ni-raid

-

Nakumpiska ng mga ele­mento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 155 piraso ng complete sets na gina­gamit umano sa cyber porno­graphy mula sa isang computer firm sa isinagawang raid nito sa Pasig City.

Tinukoy ni NBI Director  Nestor M. Mantaring ang  esta­blis­yimento na American Chat Link, Inc. na may tanggapan sa  12/F, Tycoon Center, Pearl Drive, Ortigas Center, Pasig City.

Nabatid  na sinalakay ang nabanggit na kompanya bunsod ng reklamo ni Paolo Ferrer ng  Sampaloc, Manila, laban kina  Shirley Balingit, Amelita A. Revilla, Donato Enrique Fa­jutrao, Juliet P. Gabriel at Joy Milagros S. Malingat, pawang mga empleyado ng  American Chat Link Inc.

Nabatid pa na ang naturang kompanya ay sangkot umano sa pagbebenta  at paggawa ng pornographic Internet website .

Nagpapanggap pa umano ang kompanyang nabanggit bilang call center company  ngu­nit ang katotohanan ay pawang mga hubad at immoral na pornographic materials ang ginagawa dito na ibinebenta sa mga dayuhang kliyente.

Sinalakay ang nasabing kompanya sa bisa na rin ng search warrant na inisyu ni Judge Rodolfo R. Bonifacio ng  Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159.

Nakuha mula sa tanggapan ng American Chat Link Inc., ang 155 piraso ng mga computer sets , 12 internet hubs, internet servers at iba pang mga doku­mento na ginagamit sa kanilang illegal na aktibidad. (Grace Amargo)

AMELITA A

AMERICAN CHAT LINK

AMERICAN CHAT LINK INC

DONATO ENRIQUE FA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with