^

Metro

Video footages vs Trillanes

- Angie dela Cruz, -

Prinisinta kahapon ng govern­ment prosecutor ang video footage sa Peninsula standoff para gamitin bilang ebidensiya sa kasong rebel­yon na iniharap laban sa 30 katao na sangkot sa naganap na kaguluhan.

Ang mga footage ng ABS-CBN  ay isinumite ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa Makati Regional Trial Court  na kuha mismo sa loob ng Manila Peninsula noong Nob­yembre 29.

Gayunman, kinastigo na­man ni  Judge Elmo Ala­meda ng  Makati RTC Branch 150 si Velasco dahil sa pagka­bigo nito na abisuhan ang korte  na may mga ebidensiya siyang iha­harap, bago pa man ang na­ganap na pagdinig.

Ang naganap na pagdinig kahapon ay para alamin kung may probable cause  sa ini­harap na kasong rebelyon laban kina Sen. Antonio Trilla­nes, Brig. Gen. Danilo Lim, former vice-president Teofisto Guingona, Bishop Emeritus Julio Labayen, dating Univer­sity of the Philip­pines presi­dent Francisco Nemenzo at iba pa.

Nagbabala din si Alameda sa prosecution dahil sa pagsa­sama kina Guingona, Laba­yen, Nemenzo at aktres na si  Bibeth Orteza sa kaso sa ka­bila na pinalaya ang mga ito dahil sa humanitarian conside­ra­tions. Sinabi ng judge na pinalaya ang mga nabanggit bago pa man ang inquest proceedings.

Samantala, bantay sarado naman ang ipinatupad na segu­­ridad kahapon ng pulisya at  humigit kumulang sa 90 na kapulisan ang deneploy  sa isi­nagawang pagdinig. Hindi naman dumalo rito ang kon­trobersiyal na senador na si Trillanes.

Samantala, hiniling naman ng kampo ni Gen. Lim sa korte,  na sa halip na  sa Camp Crame ikulong ang naturang heneral, ilipat na lang ito sa isa sa mga kampo ng Philippine Army sa Tanay, Rizal.

ANTONIO TRILLA

BIBETH ORTEZA

BISHOP EMERITUS JULIO LABAYEN

CAMP CRAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with