^

Metro

Coed patay sa karambola ng apat na sasakyan

-

Isang  dalagang college student ang nasawi, habang  lima pa katao  ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Si Jessica Rosero, 19, scholar ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) at residente ng Lot 29, Arty Subdivision, Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod ay agad na nasawi sa pinang­yarihan ng insidente sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nakilala ang lima pang sugatang biktima na sina Marife Carlos, 34; Julius Ceasar Bonifacio, 19;  Michael Ogalesco, 23; Jayvee Mark Concha, 23; at Reneboy Deongoy, 28,  pawang mga residente ng Valenzuela City na nagtamo ng mga pinsala sa katawan.

Ayon sa pulisya, dakong alas-8:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Shell gasoline station, sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, kasalukuyang tinatahak ni Concha ang naturang lugar lulan  ng  kanyang Mitsubishi Lancer na may plakang ULN-316, nang bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela at salpukin ang isang Mitsubishi Canter (CSE-245),  na minamaneho naman ni Sonny Septimco, 27.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay sumalpok naman ang Canter sa isang nakaparadang Toyota Corolla na may plakang UNF-599 at sa tricycle na minamaneho ng biktimang si Ogalesco bago tuluyang mahagip ang nasawing si Rosero at iba pang biktima na kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang dapat papanagutin sa trahedya. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARTY SUBDIVISION

AYON

BRGY

JAYVEE MARK CONCHA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with