^

Metro

Dutch national nagbaril dahil sa selos

-

“To my son, farewell, your mother is committing adultery with Ronald Dauz.”

Ito umano ang mga huling katagang nakasaad mula sa suicide note ng negosyanteng Dutch national na si Ronald de Boer, 45, bago nagbaril sa sarili kamakalawa sa Caloocan City.

Namatay noon din si Boer, residente ng #140-B Capaz Street, 10th Ave. ng nabanggit na lungsod dahil na tinamong tama ng bala sa bunganga buhat sa kalibre 9mm pistol.

Sa naantalang report na naka­rating kahapon sa Calo­ocan City Police at  sa imbesti­gasyon ni SPO1 Jaime Basa, alas-2 ng hapon nang madis­kubre ang bang­kay ng dayuhan ng mga ka­sambahay nito mismo sa kama nito sa kanilang kuwarto ng asawang Pinay na nakilalang si Marife.

Bago ang pagpapakamatay ng biktima, nag-usap muna sila ng kanyang misis na si Marife de Boer at hindi alam ng mga kasambahay ng mga ito kung nag-aaway ang dalawa.

Pagkatapos ay umalis ng bahay ang babae at nagtungo sa isang computer shop, nang bumalik ito sa kanilang bahay ay nakita na lamang nito ang biktima na patay na sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) ng Northern Po­lice District (NPD), nakita ang baril na ginamit ng biktima sa ibabaw ng bangkay nito kung saan ay nakarehistro ang armas sa asawa nitong si Marife.

Nakatakda namang isailalim sa paraffin test ang asawa ng biktima at ang katulong na si Epehnia Gabonia upang ma­tukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni de Boer.

Sa naging salaysay naman ni Marife sa mga awtoridad, gusto na niyang makipaghi­walay sa kanyang asawa dahil hindi siya naging masaya sa piling nito bukod pa sa hindi umano siya nito binibigyan ng pera simula ng magsama sila may 10 taon na ang nakaka­lipas.

Napag-alaman ng biktima na pinipendeho umano siya ng kanyang misis kaya nagawa nitong kitlin ang sariling buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

B CAPAZ STREET

CITY POLICE

EPEHNIA GABONIA

JAIME BASA

LORDETH BONILLA

MARIFE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with