^

Metro

6 tauhan ng BI sinibak, 8 pa suspendido

-

Sinibak sa serbisyo ang anim na empleyado ng Bureau of Immigration (BI), samantalang sinuspinde naman ang walong iba pa matapos na masangkot ang mga ito sa iba’t ibang katiwalian. Sinabi ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan, ang mga sinibak at sinuspindeng empleyado ay sangkot sa mga kaso tulad ng kidnapping with extortion, estafa at illegal na pagpapa-deport sa mga dayuhang may kinaka­harap na kaso dito sa bansa.

Nilinaw pa ni Libanan na sa walong tauhan ng BI na sinus­pinde lima dito ang pinatawan ng preventive suspension  sa loob ng anim na buwan ng walang bayad habang nakabinbin pa ang kasong administratibo laban sa mga ito samantalang ang tatlo naman ay anim na buwang suspendido. Siniguro pa nito na mapapatawan ng katulad na parusa ang iba pang empleyado ng BI na mapapatunayang sangkot sa pangingikil, pangloloko sa mga dayuhan at iba pang uri ng katiwalian.

Matatandaan na sinibak din ni Libanan noong nakaraang linggo ang Supervisor, warden at walong security guards ng Bicutan Immigration jail matapos ding masangkot sa anomalya.

Bukod dito, iniutos din nito ang paglalagay sa “floating status” sa 18 intelligence agents, immigration officials at legal aides ng BI na nahaharap din sa reklamong extortion at pangha-harass sa mga dayuhan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BICUTAN IMMIGRATION

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

LIBANAN

MATATANDAAN

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with