^

Metro

3 sugatan sa ‘bomba’

- Rose Tamayo-Tesoro -

Kritikal ang tatlo katao matapos na ma­sabugan ng isang im­provised explosive device na inihagis ng isang electrician, ka­ma­­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyang nila­lapatan ngayon ng lunas sanhi ng mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktimang sina Maricel Tabaranza, Ro­chelle Abas at Raul Nasam, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Recom­ville Subdivision, De­paro ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang na­aresto ng mga ba­rangay official ang sus­pect na si Francis Ve­loria, 34, at residente ng Block 19, Sterling   Street, Deparo, Calo­ocan City.

Batay sa ulat ni PO3 Josilito S. delos Reyes, may hawak ng kaso, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Re­comville Subdivision, Phase 3, Brgy. 170, Deparo ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalu­kuyang naglalakad ang mga biktima nang sa hindi malamang kada­hi­lanan ay biglang naghagis ng impro­vised explosive ang suspect sa kalsada at bigla itong sumabog na naging dahilan upang masapol ng shrapnel ang mga una.

Ang tatlong biktima ay kaagad na isinugod sa pagamutan habang ang suspect ay agad namang naaresto ng mga tanod sa kanyang bahay at nakuha dito ang pin ng nasabing pampasabog.

BATAY

DEPARO

FRANCIS VE

JOSILITO S

MARICEL TABARANZA

RAUL NASAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with