Rambol sa QC: 1 patay

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa ma­ karaang sumiklab ang isang riot sa pagitan ng dalawang grupo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC)) si Crisanto Inalisan, 26, walang trabaho at residente ng # 436 Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit bunga ng saksak sa kanyang dibdib at tiyan. Malubha naman sa nasabing pagamutan si Michael Dapuso, 26 ,wala ring trabaho at residente naman ng #130 Jasmin St. dahil sa tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Nadakip ng mga rumespondeng mga pulis ang isang sangkot sa rambulan na si Jonathan Pinto, 22, wala ring trabaho, ng #181 Jasmin ng naturang barangay.

Matagal na umanong may alitan ang dalawang grupo ng kabataan kaya ng magpanagpo sa may Sto. Nino St., Brgy. Holy Spirit ay kanya-kanyang banatan na ang sumiklab. Inaalam na kung sino ang nanaksak at namaril sa mga biktima. (Danilo Garcia)

Show comments