Dalagita ibinenta, pina-gang rape ng bf
Isang bangungot ang sinapit ng isang 16-anyos na dalagita matapos umano siyang ibenta kapalit ng shabu ng kanyang boyfriend at pina-gang rape pa sa tatlong kalalakihan sa loob ng isang sementeryo, kahapon ng madaling araw sa lungsod
Kasama ng kanyang matalik na kaibigan ay pormal na nagtungo sa Women’s and Children’s Protection Center (WCPC) ng Caloocan-PNP upang magsampa ng reklamo ang biktimang itinago sa pa ngalang Irish, taga-Pinagsama Village, Taguig City.
Inireklamo ng biktima sina alyas Nante, alyas Monching Laki at alyas Dick, pawang mga naninirahan sa Tagaytay St., Barrio San Jose, Caloocan na umano’y halinhinang gumahasa sa kanya.
Sa kuwento ng biktima kay PO1 Gigie de Jesus, WCPC investigator, pumunta lang umano siya sa
Alas-2:30 ng madaling-araw nang yayain siya ng bf na mayroon silang pupuntahan, subalit dinala siya nito sa loob ng North Cemetery sa
Sandaling nakipag-usap ang nobyo nito sa tatlong lalaki at agad na umalis ito at iniwanan siya. Dito na naganap ang halinhinang panggagahasa sa dalagita ng mga suspek.
Nabatid sa biktima na posibleng ibinenta siya ng kanyang bf kapalit ng shabu mula sa mga suspek dahil isa itong adik. Bukod sa tatlong suspek, pinaghahanap na rin ng pulisya ang nobyo ng biktima dahil kasabwat ito sa sinapit ng dalagita.
- Latest
- Trending