^

Metro

Taxi driver kinikilan ng P500 ng 4 pulis-MPD

-

Tutukuyin sa susunod na linggo ng isang taxi driver ang apat na pulis kabilang ang isang police woman na nangikil sa kanya kahapon ng madaling-araw sa isang checkpoint sa Maynila.

Kahapon ay personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District Press Corps (MPD-PC) ang biktimang si Danilo Cerneo, 55, ng Las Piñas City na umano’y kinotongan ng apat na pulis Maynila sa isang checkpoint  sa  Del Pan bridge sa Tondo, Maynila.

Sa salaysay ni Cerneo, minamaneho nito ang kanyang pinapa­sadang taxi (PHA-883) nang parahin siya ng apat na pulis sa isang checkpoint. Tinanong umano ng biktima ang kanyang violation at nagpa­kilala pa siyang pinsan ng reporter na si Renato Quilicol ng People’s Journal subalit sinagot lamang siya na wala umano silang pakialam dito at sapilitang inaaresto at hinihingan ng P500.

Sa takot, nagbigay na lamang siya ng P500 at pinayagan na siyang umalis. Nakatakdang kilalanin ng biktima ang mga na­banggit na pulis para sa plano nitong pagsasampa ng reklamo. (Doris Franche)

vuukle comment

CERNEO

DANILO CERNEO

DEL PAN

DORIS FRANCHE

KAHAPON

LAS PI

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

MAYNILA

RENATO QUILICOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with