^

Metro

Lolo nagbigti dahil sa rayuma

-

Sanhi ng hindi makayanang sakit sa rayuma, isang 60-anyos na lolo ang nagbigti kahapon ng umaga sa Caloocan.

Kinilala ng pulisya ang bikti­mang hindi na umabot ng buhay sa Nodados General Hospital na si Andres Badomes, ng Phase 9, Package 2, Block 4, Lot 38, Barangay 176, Bagong Silang nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng anak nitong si Carmelita, dakong alas-7:10 ng umaga nang makita niya ang kanyang ama na nakabigti at may nakapulupot na nylon cord sa leeg habang ang kabilang dulo nito ay nasakabit sa grills ng steel window sa loob ng ka­nilang bahay.

Agad na tinawag ni Carme­lita ang kanyang asawang si Ronilo at mabilis na kinalas sa pagkakabigti ang biktima bago mabilis na dinala sa nasabing ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Napag-alaman na labis na dinaramdam ng biktima ang sakit nito sa kanyang tuhod kapag naglalakad, dahil may rayuma ito.

Kung saan bago nagpaka­matay ang naturang lolo ay nagbilin pa ito na kung siya’y ma­matay ay gusto niyang i-cre­mate ang kanyang katawan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANDRES BADOMES

BAGONG SILANG

CALOOCAN

CARME

CARMELITA

KINILALA

LORDETH BONILLA

NODADOS GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with