^

Metro

Prostitusyon sa Viva Manila protektado raw

-

Pinaniniwalaang pro­tektado ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pasay City maging ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame at Anti-Human Trafficking Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lumalalang prostitusyon sa Viva Manila sa kaha­baan ng Roxas blvd., Pasay City.

Ayon sa source, lumili­taw­ na ginagawang tam­bayan ng mga awto­ridad ang Viva Manila kaya naging inutil ang CIDG, NBI at mga opisyal ng Pasay City particular na ang PNP City Hall Detachment na tumatayong task force ng Office of the Mayor na mapatigil ang operas­yon ng prostitus­yon nito.

Tinukoy ng source, na walang bold show sa Viva Manila bagkus puwersa­hang pinaba-barfine ang mga kababaihan sa mga Koreano at Hapones na kliyente nito.

Naging paborito ng mga dayuhan at ilang opisyal ang PNP, CIDG at NBI ang Viva Manila dahil sa kakaibang gimmick nito sa operasyon ng pros­titusyon.  (Mhar Basco)

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

CAMP CRAME

CITY HALL DETACHMENT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MHAR BASCO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

SHY

VIVA MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with