^

Metro

Reporter huli sa kotong

-

Timbog sa isinagawang entrapment operation ang isang tabloid reporter na nakilalang si Eric Enriquez, 37, ng weekly tabloid Bri­gada matapos na kikilan ang isang tauhan ng pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Alvin Ca­ra­mancion madalas umano siyang hingan ng pera at kung anu-ano pa ng na­bang­­git na reporter para umano itigil na ang mga ne­gative write ups  laban sa kanya. Si Caramancion ay naka­destino sa Sta. Cruz police station ay nagsabing nag-ugat umano ang pam­babanat sa kanya ng staff ng Brigada noong naka­lipas na Agosto nang ma­ka­engkuwentro niya ang isang stallholder sa Que­zon Avenue sa Quiapo, Maynila. Nabatid na ang stallholder na ito ay may koneksyon sa Brigada staff at dito na nagsimula ang mga negatibong write-ups laban sa kanya.

Regular na umanong humihingi sa kanya ng kung anu-ano si Enriquez para matigil na ang pag­banat sa kanya. Kahapon isang gun holster na naman ang hinihingi nito para umano sa kaarawan ng publisher ng Brigada.

Dito na nagsumbong sa kanyang superior ang pulis at inihanda ang en­ trapment laban sa re­porter. (Nestor Etolle)

vuukle comment

AGOSTO

ALVIN CA

AYON

BRI

BRIGADA

ERIC ENRIQUEZ

NESTOR ETOLLE

SHY

SI CARAMANCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with