125 sako ng pampasabog nasamsam

Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 125 na sako ng  kemikal na gamit sa pampasabog at paputok sa Manila South Harbor  kama­kalawa.

Ayon kay Lt. Sgt. Armand Balilo, PCG spokesperson,  ang na­banggit na mga pam­pasabog at kemikal sa paggawa ng paputok   ay nasabat ng kanilang  K-9 unit na nakabantay sa Eva Macapagal Terminal  noong Sabado .

Ang nakuhang  kemi­kal na  sodium bicar­bonate ay pag-aari umano ng  Pure Chemical Corporation na nakabase sa  Navotas City kung saan hindi rin umano ito nakapag­bigay ng permit upang maibiyahe ang mga nabanggit na kemikal.

Ang nasabing kemi­kal ay ginagamit sa pag­­gawa ng mga pa­putok at bomba kung ka­ya’t ma­higpit na pi­nagbabawal ng Philippine National Police ang pagbibiyahe nito at kinakailangan na may­roong permit.

Nakalagay umano sa sako ang mga na­sabing kemikal at ito ay nakita ng idaan ang ba­gahe sa scanning machine ng naturang terminal at ibibiyahe patu­ngong General Santos City.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng PCG ang nasabing mga ke­mikal at ito ay kasalu­kuyang nasa kustodya ng PCG. (Grace dela Cruz)

Show comments