^

Metro

12-anyos nagpatiwakal

- Ni Grace Amargo-Dela Cruz -

Tila P200 lamang ang halaga ng buhay ng isang 12-anyos na batang lalaki makaraang magpakamatay ito nang matalo sa larong drop game  sa Binondo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Ang biktimang si Jose Moya, Grade 6 pupil ng P. Gue­varra Elementary School at  residente ng 565 Valderama St., Bario Siyete, Binondo, Manila ay patay na nang ma­isugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital.

Nabatid mula sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang nadiskubre ang patay ng biktima ng nakatatanda nitong kapatid sa loob ng kanilang  bahay.

Bago umano nagpakamatay ang bata ay  naglaro umano ito ng color games o kilala sa tawag na drop games pero natalo siya sa halagang P200.

Nabatid na ang natalong P200 ng biktima ay mula sa naipon niyang  araw-araw na baon na ibinibigay ng kanyang mga magulang.

Ilan umano sa kasamahang bata ng biktima ang naka­saksi sa pagkatalo nito kaya tinakot umano siya na isu­sumbong ito sa kanyang mga magulang.

Bunsod nito’y humingi umano ng payo ang biktima sa kanyang mga kaibigan at isa  umano dito ang nagsabi na “magpakamatay ka na lang”.

Dakong 2:30 ng hapon nang umuwi ang nakakatandang kapatid ng biktima at nadiskure ang kapatid na nakabitin ang leeg gamit ang isang lubid.

Wala namang rekord ang Manila Police District-Homicide Section  dahil ayon kay Leonardo Reyes, security guard ng ospital na wala umanong nagtungong imbestigador sa ospital bagama’t inireport ito dakong alas-4:20 ng hapon at tanging si Ricardo Quimpo, stepfather ng biktima ang kausap  ng imbestigador.

Nabatid na ang color games ay pinapatakbo umano ng isang “Zarah” na kapatid umano ng isang Kagawad sa Brgy. 286 Zone 26.

vuukle comment

BARIO SIYETE

BINONDO

NABATID

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with