^

Metro

Luxury car may pasaherong bangkay

-

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang luxury car na nakaparada sa gilid ng Tomas Morato Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Melvin Ochoa Bautista, 36.  Nabatid na natagpuan itong may mga saksak sa katawan at leeg habang nakasuot ng stripe na polo shirt at maong na pantalon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), pasado alas-5:00 ng madaling araw nang mapansin ng mga security guard ang bangkay ng biktima sa loob ng isang Mercedes Benz C-280 na  may plakang (WTT-490) na nakaparada sa tapat ng isang condominium building sa panulukan ng Tomas Morato at E. Rodriguez Avenue.

Ayon sa mga security guard, posibleng ipinarada ang sasakyan sa naturang lugar dakong alas-9 o alas-10 ng gabi kung saan dagsa naman ang mga parokyano ng mga bar sa naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na galing umano sa isang bar ang biktima. Sa inisyal na pagsu­suri, natagpuan na may mga marka ng kalmot sa damit ng biktima ngunit hindi agad matukoy ng mga pulis kung may naganap na panlalaban sa loob ng kotse. Posible ring pinaslang ang biktima may limang oras na bago ang pagka­kadiskubre sa bangkay dahil sa pagiging mati­gas na nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

MELVIN OCHOA BAUTISTA

MERCEDES BENZ C

NABATID

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RODRIGUEZ AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with