^

Metro

Resulta ng imbestigasyon sa Glorietta blast ilalabas na

-

Inaasahang ilalabas na bukas ng Philippine Na­tional Police (PNP) ang re­sulta ng kanilang imbesti­gasyon kung bomba nga ba o gas explosion ang sanhi ng malagim na Glorietta 2 mall blast sa Makati City noong Oktubre 19.

Ayon kay National Capi­tal Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Barias, kapag pinal na naisapubliko ang resulta ng imbestigasyon ang su­sunod nilang hakbang ay ang alamin kung sino ang pananagutin sa trahedya.

Nauna nang iginiit ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., base sa mga nakuhang ebidensya ay aksidenteng gas leak mula sa methane gas na nahagip ang diesel fuel ang naging mitsa ng pagsabog.

Ang nasabing teorya ay lumakas dahil walang na­tag­puang component ng bomba sa blast site ang mga imbestigador sa halip ay mga palatandaan ng gas explosion, ang teoryang si­nuportahan ng US at Aus­tralian experts na tumulong sa imbestigasyon.

Sa ngayon, ayon kay Barias ay wala pa umanong nasampahan ng kaso dahil hindi pa tapos ang imbes­tigasyon ng Multi-Agency Investigation Task Force (MAITF) na bagaman na­una nang natukoy ng gas explosion ang mitsa ng trahedya ay hindi pa isinara ang kaso dahil aalamin nila kung anong uri ng gas ang sumambulat.

Kaugnay nito, ipinag­tang­gol naman ni Barias ang mabagal nilang imbes­tigasyon dahil ibig lamang nilang matiyak na hindi masasayang ang kanilang pinaghirapan sa oras na maisampa na ang kaso sa korte. (Joy Cantos)

AUS

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

JOY CANTOS

MULTI-AGENCY INVESTIGATION TASK FORCE

NATIONAL CAPI

PHILIPPINE NA

REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with