^

Metro

Mag-bayaw kritikal sa kainuman

-

Agaw-buhay ang isang mag-bayaw matapos pag­sa­saksakin ng isang la­laking kanilang kainuman, dahil nagalit ang suspek nang sawayin na itigil na ang inuman kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng mga tina­mong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan sina Ernesto Lum­bres, 39, may-asawa, at Jojie Sal­cedo, 24, binata, kapwa  residente ng #13 Consuelo Street, Barangay Acacia ng nabanggit na lungsod. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa pa­ngalang Junior Lucas, kalugar ng mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na inimbitahan umano ng mag-bayaw ang suspek na mag-inuman na pinaunlakan naman ng huli. Dahil sa dis-oras na ng gabi at maingay ang suspek, na nakabubulahaw sa mga kapitbahay ay sinaway ito ng mga biktima at sinabing itigil na nila ang kanilang inuman.

Nagalit umano ang suspek sa mga biktima at bigla na lamang itong bu­munot ng patalim at sina­lakay ang magbayaw.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima ng ka­nilang mga kasambahay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY ACACIA

CONSUELO STREET

ERNESTO LUM

JOJIE SAL

JUNIOR LUCAS

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with