^

Metro

Preso binangungot sa selda

- Angie dela Cruz, -

Patay ang isang bilanggo na may kasong murder at anti-carnapping makara­ang bangungutin ito sa loob ng Malabon City Jail.

Si Roosevelt Bituin, 24, binata, ng Ba­gong Bayan, Navotas City ay hindi umabot ng buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon (PLM).

Sa imbestigasyon ni P03 Peter Rios, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang madiskubreng hindi na guma­galaw ang biktima sa loob ng selda nito.

Ayon sa mga inmate na sina Jessie Camaligan at Alfredo Santos, patulog na sila ng mapansin nilang umuungol si Bituin habang natutulog. 

Sa pag-aakalang nasa kasarapan lamang ng pagtulog ang biktima ay binalewala ito nina Camaligan at Santos, subalit naging tuluy-tuloy ang pag-ungol ng biktima na bigla na lamang naputol.

Dito, ginising na nila ang biktima subalit hindi sumasagot kaya tumawag ang mga ito ng jailguard para humingi ng tulong. Agad namang dinala nina J01 Quistadio Labal at J01 Cardy Luna si Bituin sa nasabing pagamutan subalit idineklara itong dead-on-arrival ni Dr. Jaime dela Cruz.

Si Bituin ay nakulong noong Setyembre 01, 2001 at nahaharap sa kasong murder at anti-carnapping nang nakawin nito ang tricycle at patayin si Roger Libara noong Agosto 28, 2001.

vuukle comment

ALFREDO SANTOS

BITUIN

CARDY LUNA

JESSIE CAMALIGAN

MALABON CITY JAIL

PAGAMUTANG LUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with