^

Metro

Metro Manila binaha sa “cold front”

-

Binaha ang ilang ba­hagi ng Metro Manila na nagdulot ng pagkaka-stranded ng libu-libong mga estudyante at mga commuters matapos ang malalakas na pag-ulan sanhi ng “cold front”  ka­hapon ng umaga.

Sa report na nakalap kahapon ng tanggapan ni National Disaster Coordi­nating Council (NDCC) Executive Director Glenn Rabonza, naitala ang hanggang gulong na mga pagbaha sa mababang lugar sa Quezon City, May­nila at maging sa Pasay City.

Dakong alas-8:45 ng umaga ay na-monitor ang hanggang gulong na mga pagbaha sa kahabaan ng E. Rodriguez Boulevard, Araneta Avenue sa Que­zon City; Quezon Avenue malapit sa Plaza Miranda sa  Quiapo, Maynila.

Binaha rin ang south­bound portion ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) at Zamora St. sa Pasay City malapit naman sa Metropoint mall.

Samantalang maging ang bahagi ng Magalla­nes sa pinansiyal na dis­trito ng Makati City ay na-monitor rin.

Kabilang pa sa mga apektado ay ang ilang mga bahagi sa lung­sod ng Maynila tulad ng ka­ha­baan ng Dimasalang, España, Maceda, C.M. Recto Ave­nue, at iba pang parte ng Quiapo at  Divi­soria. Ang insidente ay nagdulot ng pagkaka-stranded ng libu-libong mga estudyante at mga commuters na halos wa­lang masakyan at basang-basa sa malakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA  ang malalakas na pag-ulan na nararanasan sa Central at Southern Luzon, par­ tikular na sa Metro Manila ay hindi sanhi ng nagba­bad­yang bagyo kundi ng isang “cold front”. (Joy Cantos)

ARANETA AVENUE

BINAHA

CITY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with