^

Metro

Seguridad sa NAIA pinaigting

-

Pinalakas kahapon ng mga awtoridad ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport [NAIA] matapos suma­bog ang bomba noong Martes ng gabi sa House of Repre­sentatives na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang isang Mambabatas at ikinasugat ng sampung iba pa.

Sinabi ni ret. General Angel Atutubo, Assistant General Manager for Security ng Ma­nila International Airport Authority (MIAA), isinailalim sa “Oplan Jumbo” ang lahat ng airport sa bansa at itinaas ang alert level upang matiyak ang seguridad ng publiko at upang mapigil ang anumang pagta­tangka ng ilang grupong gus­tong maghasik ng lagim at kaguluhan.

 “Lahat ng airport ay po­sibleng target ng terorismo. Kaya, pinalakas namin ang seguridad at naglagay ng karagdagang tauhan sa lahat ng paliparan base sa sitwas­yon,” ani Atutubo.

Sinabi ni Atutubo, na mag-deploy ng bomb sniffing dogs mula sa K-9 Unit sa mga checkpoints patungo sa NAIA upang makatulong sa manual security check na isinasagawa sa lahat na pumapasok na sasakyan.

Inatasan naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lahat ng pribadong guwardiya na paalisin kaagad ang mga sasakyang pansa­man­talang nakahimpil sa NAIA departure area matapos magbaba ng pasahero upang hindi makasikip at maging malinis sa mga sasakyan ang naturang lugar.

Umiikot naman ang mga miyembro ng pulisya na may kasamang K-9 dogs sa ilang lugar na dinadaanan ng mga pampublikong sasakyan sa paligid ng airport at perimeter fences ng airport tarmac.

Samantala, sinabi ni MIAA General Manager Alfonso Cusi na walang dapat ikaba­hala ang publiko dahil maayos ang implementasyon ng segu­ridad sa paliparan bunsod na rin sa mahigpit na pagpapa­tupad ng MIAA at sa pakiki­pagkooperasyon ng ibang ahensiya ng gobyerno. (Butch Quejada)

AIRPORT

ASSISTANT GENERAL MANAGER

ATUTUBO

BUTCH QUEJADA

GENERAL ANGEL ATUTUBO

GENERAL MANAGER ALFONSO CUSI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with