12 oras walang tubig sa Caloocan, Malabon at Navotas
Labindalawang oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga lugar ng Caloocan, Malabon at Navotas sa Biyernes, Nobyembre 16 ganap na alas-11 ng gabi hanggang alas 11 ng umaga sa darating na Sabado Nobyembre 17.
Ayon sa Maynilad Waters, ang pagkawala ng suplay ng tubig ay bunsod ng gagawing pagpapalit ng isang 600 mm gate valve sa kahabaan ng letre road sa kanto ng Torres Bugallon Caloocan City
Ang mga apektado sa Caloocan ay ang bahagi ng East Grace park sa may A. Bonifacio, 5th Avenue, Rizal Avenue at 10th Avenue, bahagi ng West Grace Park , 7th Ave nue at PNR Railway, buong Sangandaan at Libis areas sa may PNR track, C3 Road Libis, Talisay at Gen San Miguel, PNR at Bisig at Nayon at Lateral Sts., P. Aquino at Lateral Sts., Hizon at Baltazar area.
Sa Navotas walang tubig sa Dagat-dagatan sa may kahabaan ng Northbay Blvd at Lateral Streets, Brgy Bagumbayan, Brgy. San Rafael, Brgy. Sipak-Almacen, Brgy. San Jose, Brgy. Navotas West/East, Brgy. San Roque, Daang Hari, Brgy. Tangos at Brgy. Tanza.
Pinayuhan ng Mayniald ang mga apektadong residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ipon na agad ng tubig para me magamit sa panahon ng water interruption. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending