^

Metro

Dagdag na security personnel hiling ng Comelec sa PNP

-

Bunsod ng sunud-sunod na pamamaslang sa mga opisyal ng Commission on Election (Comelec), hiniling kahapon ng komisyon sa Philippine National Police (PNP) na  magdagdag ng security personnel para sa mga ito.

Kahapon ay nagsimula nang dumating at magbantay sa paligid ng Comelec main office sa Intramuros ang 34 miyembro ng PNP upang matiyak ang seguridad ng mga commissioners dito. Mahigpit din na ipinatutupad ang  “No ID, No entry” policy sa nabanggit na tanggapan kung saan maging ang mga vendors sa loob ng Comelec ay winalis na rin ng mga awtoridad  na nagbabantay dito.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. James Jime­nes, ito ay upang matiyak na hindi na madadagdagan ang bilang ng pagpatay sa mga opisyal ng Comelec.

Samantala, nagpalabas naman ng gag order ka­hapon si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga miyembro ng Manila Police District (MPD) upang hindi magbigay ang mga ito ng impormasyon sa insidente ng pamamaslang sa Comelec Law Dept. Head Atty. Alioden Dalaig. Sinabi ni Lim na dapat munang tiyakin ng pulisya ang mga ebidensiyang hawak nito bago iprisinta o ipakita sa media upang maiwasan ang pagbibigay ng maling impor­masyon sa publiko.(Grace dela Cruz)

ALIODEN DALAIG

COMELEC

COMELEC LAW DEPT

COMELEC SPOKESPERSON ATTY

HEAD ATTY

JAMES JIME

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with