^

Metro

‘Fixer’ ng grades timbog

-

Isang sinasabing taga-ayos upang maipasa ang mga grades kapalit ng pera sa isang unibersidad sa Valenzuela City ang na­aresto sa isang entrapment kahapon ng umaga.

Nakapiit habang iniha­handa ang kaukulang kasong isa­sampa laban kay Reynaldo Velarde, 59, ng A. De Gula Compound, Bgy. Gen. T. De Leon na­banggit na lungsod.

Sa pahayag ng nagre­reklamong itinago sa pangalang “JayAr”, 22, nursing student sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City, hini­ngan siya ng suspek ng P27,000 dahil bagsak umano siya sa sub­ject na 104 sa kanyang kurso. Ibibigay umano ang pera sa professor ng bik­tima. Dahil gustong maka­pasa ay napilitan magbigay si JayAr kapalit ng inaasam na pagpasa sa klase.

Laking pagta­taka ng biktima ng kunin nito ang kanyang class card ay bag­sak pa rin siya sa nasabing subject. Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang bik­tima kung saan nagsa­gawa ng entrapment ope­ration ang mga ito at nag­kunwari si Jay-Ar na mag­dadagdag ng bayad sa suspek upang maayos ang kanyang grade.

Nang tanggapin ng suspek ang inaabot na P5,000 ng bik­tima sa loob ng nasabing unibersidad ay hindi na ito nakapalag pa sa mga uma­restong pulis. (Lordeth Bonilla)

BGY

DAHIL

DE GULA COMPOUND

DE LEON

LORDETH BONILLA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

REYNALDO VELARDE

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with