^

Metro

Sekyu butas ang bungo sa Russian roulette

-

Butas ang bungo ng isang security guard mata­pos na umano’y pumutok ang kanyang service fire­arm habang pinagla­laruan ito papasok sa ka­nyang guardhouse sa tinatanu­rang kumpanya sa Valen­zuela City, kahapon.

Dead-on-the spot si Ronald Jorquia Elemanco, 21, may-asawa, tubong Surigao, security guard sa Petros Security Agency at naninirahan sa Brgy., Socol, Calumpit, Bulacan.

Ayon sa ulat ni SPO2 Jess Saguisi, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente dakong 1:30 ng hapon sa loob ng guard­house ng SMP-Chemicals Inc. na matatagpuan sa Fortune Village 4, Paso de Blas, Valenzuela City.

Nakita ng testigong si Noel Banton, electrician sa kumpanya, ang biktima na pinaglalaruan ang isang baril habang papasok sa kanyang guardhouse.

Matapos mai-punched ng biktima ang kanyang time card at umalis. Isang malakas na putok ng baril ang narinig ni Banton, hang­gang sa makita na lamang ng huli ang una na nakasubsob sa semento at naliligo sa sarili nitong dugo.

Sa pagsisiyasat ni Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) ni Chief Insp. Domingo Alminiana, nag­tamo ng isang tama ng bala sa kanang sentido ang biktima na naglagos pa sa likurang bahagi ng ulo nito na agad niyang ikinamatay.

Teorya ng mga awto­ridad, posibleng habang hawak ng biktima ang kan­yang baril at pinagla­laruan saka naitutok niya ito sa kanyang sentido at naka­labit kaya pumutok.

Maari rin umanong insi­dente ito ng pagpapaka­matay at isinagawa sa mismong lugar kung kaya patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad ang nasabing pangyayari.

Isinagawa na rin ng awtoridad ang paraffin examination sa kamay ng biktima upang matukoy kung may gun powder residue ito na indikasyon na nakalabit nito ang nasa­bing baril. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

CHEMICALS INC

CHIEF INSP

DOMINGO ALMINIANA

FORTUNE VILLAGE

JESS SAGUISI

NOEL BANTON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with