150 piraso ng dinamita nasamsam
Narekober ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) ang 150 piraso ng mga dinamita at iba pang kagamitang pampasabog kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.
Ang nabanggit na piraso ng dinamita, blasting caps at cable wires ay nakasilid sa kahon at nakalagay lamang sa bangketa sa kahabaan ng
Hawak na ng MPD-Explosive and Ordance Division (EOD) ang 150 slurry dynamite na may sukat na 25mm x 300mm at 90 meters na commercial time fuse at nakakabit pa ang blasting cap nito.
Sinabi ni Percival Abegleo, secuirty guard ng Forbes Place Dormitory, nakita umano niya ang isang di-nakilalang babae na nag-iwan ng dalawang kahon sa harapan ng nasabing dormitory dakong alas-6 ng umaga. Agad naman nitong ipinagbigay-alam kay Zenaida Mathias ng Brgy. 740, Sampaloc ang nasabing kahon ng mga pampasabog at mabilis naman nitong inireport sa pulisya.
Sinabi naman ni MPD District Director Roberto Rosales na posibleng may pipick-up umano sa nabanggit na kahon kung kaya’t iniwan lamang ito sa nabanggit na lugar. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending