^

Metro

Bala binaon sa noo ng binata

- Angie dela Cruz, -

Isang binata na naka­takdang magselebra ng kan­yang kaarawan nga­yong araw na ito ang na­sawi matapos na ma­baril ng isang   barangay tanod kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa pagamutan ang bikti­mang si Uldarico Ariap, 24, ng nabanggit na lungsod sanhi ng tina­mong isang tama ng bala sa noo.

Nakakulong naman at nahaharap sa kasong murder ang itinuturong bumaril at nakapatay sa biktima na si Gideon Bautista, 47,  tanod at re­si­dente ng Block 26, Lot 10, Phase 3F1, Dagat-Dagatan.      

Ayon sa ulat,  dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon nang ma­ganap ang insidente sa gate ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, naglalakad pauwi ang biktima mata­pos na makipag-inuman sa ilang kapitbahay at nang papasok na ito sa gate ng kanyang bahay ay biglang sumulpot ang suspek mula sa isang madilim na bahagi hawak ang di-batid na kalibre ng baril.

Sinabihan umano ng suspect ang nasawi na huwag tumakbo subalit nagpatuloy pa rin ang bik­tima sa pagpasok sa bahay hanggang bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

Dito duguang nalug­mok sa lupa si Ariap na nag­tamo ng tama sa noo bago mabilis namang tumakas si Bautista dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ilang kapit­bahay ng biktima, ilang araw bago umano ma­ganap ang pamamaril ay nakasa­gutan ni Ariap si Bautista sa hindi mala­mang kadahi­lanan hang­gang sa maganap na ang nasabing insidente. 

Ilang oras matapos maganap ang pagpatay ay kaagad namang na­aresto si Bautista sa loob ng ba­rangay hall sa kanilang lugar subalit ang baril na ginamit ng sus­pek ay hindi na nareko­ber.

ARIAP

AYON

BAUTISTA

CALOOCAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with