^

Metro

Lineman ng Meralco tinarget ng airgun

-

Bunsod ng pagtatanggal ng mga illegal na koneksiyon ng kuryente, binaril ng hindi nakikilalang suspek ang isang lineman ng Meralco  kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Sugatan ang biktima na si Javiniar Abner, 51, matapos na targetin ng bala ng airgun ng suspect. Nabatid mula sa imbesti­gasyon na  nagtatanggal umano ng mga illegal na koneksiyon  ng kuryente sa Gate 16 ng Parola Com­pound Tondo, Maynila ang biktima dakong alas-9:45 ng umaga. Bigla na lamang umanong nakarinig ng putok ng airgun galing sa hindi mabatid na lugar  ang grupo ng biktima at kasabay nito ay muntik na umanong mahulog si Abner sa inakya­tang poste at dito nadiskubre na may tama ng bulitas sa kanyang pige. Mabilis naman umanong ibinaba ang biktima mula sa poste at nilapatan agad ng paunang lunas. Sinabi naman ng pulisya na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng imbestigasyon para agad na makilala ang suspect. (Grace dela Cruz)

Empleyado ng city hall binoga, patay

Pinagbabaril  hanggang sa mapatay ang isang empleyado ng Manila City Hall ng di kilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Nakilala ang biktima na  si Randy Sareno, 26,   residente ng No.1158 Sta.Clara St., Sampaloc Manila. Habang patuloy naman na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na agad na tumakas matapos ang insidente. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na  ang biktima ay sakay ng kanyang tricycle mula sa trabaho nang sa kanyang pagbaba ay bigla na lamang umanong sumulpot ang suspek  at mabilis na binaril ang biktima at saka tumakas. Tinitingnan naman ng pulisya ang posibilidad na mayroong kaaway ang biktima at pinaghigantihan ito. (Grace dela Cruz)

Lolo biktima ng salvage

Isang  lolo ang  posibleng biktima ng salvage matapos na matagpuan ito na nakatali ang mga paa’t kamay  habang nakalutang sa isang estero kahapon sa Balut, Tondo, Maynila. Ang biktima ay nasa edad pagitan ng 60-65, 5’4’’ ang taas, balingkinitan,  nakasuot na puting t-shirt at pocket short pants  at walang sapin sa paa. Nabatid mula sa imbestigasyon  na  ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-10:15 ng umaga ng isang nagngangalang Francisco Laurel, 60. Ayon sa pulisya, nakita ang biktima na nakalutang sa Estero de Vitas, Gamban St., ng nabanggit na lugar  habang ito ay nakalutang. Nabatid pa  nakatali ng isang itim na electrical cord ang mga paa’t kamay  nito  at malapit nang maagnas bunga ng matagal na pagkakababad nito sa maruming tubig ng estero. Gayunman, wala umanong nakakakilalang residente sa nabanggit na lugar  sa biktima kung kaya’t malaki umano ang posibilidad na ito ay itinapon lamang dito. (Grace dela Cruz)

 

BIKTIMA

CLARA ST.

CRUZ

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with