Kaso ibinabala ng NCRPO
Binalaan ni Police Chief Supt. Geary Barias, hepe ng Na tional Capital Region Police Office (NCRPO) ang grupo ng mga negosyanteng magsasagawa ng kanilang independent investigations sa Glorietta 2 blast.
Ayon kay Barias na kinakailangan sumunod umano sa protocol ang nasabing independent investigating body na binubuo ng mga negosyante dahil maaaring makasuhan ang mga ito sa korte.
Sinabi pa ni Barias na may mga patakaran o alituntunin na masusing ipinapatupad sa pag-kulekta ng mga ebidensiya partikular na sa nasabing insidente na dito 11 mga inosenteng sibilyan ang nasawi at malubhang pagkasugat pa ng mahigit 100 noong Oktubre 19 sa Makati City.
Maari rin umanong kuwestiyunin sa korte ang anumang ilalabas na resulta ng gagawing imbestigasyon ng nasabing grupo.
Samantala, ini hayag naman ni Barias na bago ang Disyembre ay maisasa-publiko na nila ang kanilang official at final findings hinggil sa nasabing pagsabog sa G2 mall. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending