^

Metro

Village manager, 3 pang sekyu kakasuhan ng NBI

-

Sasampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang village manager at tatlong security guard ng isang village   matapos na hindi papasu­kin ng mga ito ang ahente ng NBI na mag- seserve ng subpoena sa ilang kasamahan ng hazing victim na si Cris Anthony Mendez.

Kasong paglabag sa PD No.1820 (Decree Penalizing Obstruction of Appre­hen­sion and Prosecution of Criminal Offenders) ang isasampa laban kina  Manny Samson, manager ng Pacific Ma­layan Village sa Cupang, Muntinlupa City; ang mga security guard sa village na sina  Ricardo Cordova; Ruel Arandilla, at Cezar Porcadilla.

Ang aksyon ay ikinasa ng NBI matapos na hindi maibigay ng mga ahente ang sub­poena kay Andoni Santos, kasamahan umano ni Mendez sa University of the Philippines-College of Law at miyembro ng Sigma Rho Fraternity kung saan ito umano ay mayroong kinalaman sa pagkamatay ng nabanggit na biktima.

Ayon kay NBI-Anti Terrorism Division chief,  Atty. Romulo Asis, makailang ulit na umano silang nagpadala ng subpoena para kay Santos ngunit hindi umano sila pinapapasok ng mga nabanggit na security guards dahil daw nasa Spain ang pamilya Santos para sa isang bakasyon  at sa halip ay ito na lamang umano ang tumatanggap ng subpoena upang iabot kay Santos.

Ngunit hindi naman umano dumating si Santos kung kaya’t maging ang mga nabanggit na sekyu at si Samson ay ipina­tawag na rin ng NBI ngunit nabigong mag­pakita ang mga ito.

Bunsod nito’y inatasan ng NBI ang mga sekyu at si Samson na iprisinta sa ahensiya ang security guard’s logbook upang maka­kuha ng ilang impormasyon ngunit hindi naman ito ibinigay ni Samson sa kat­wirang wala itong kapangyarihan na ibigay ang anumang impormasyon na nasa nabanggit na logbook.

Magugunita na nagmakaawa ang ina ng biktima na si Cristina Mendez  sa doktor na nagdala sa batang Mendez sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na si Dr. Francisco Cruz  na ilantad na ang kanyang anak na si Miguel “Mico” Cruz upang mag­bigay linaw sa pagkamatay ng biktima.

Subalit, patuloy naman umano itong itinatago ni Dr. Cruz kung kaya’ t nata­tagalan ang  pagresolba sa nabanggit na kaso. (Grace dela Cruz)

ANDONI SANTOS

CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->