100 ‘rugby boys’ winalis ng PDEA

Tinatayang 100 katao na adik sa pagsinghot ng solvent  ang pinagdadam­pot ng mga tauhan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamaka­lawa ng gabi bilang bahagi ng programa na linisin ang mga kalsada ng Metro Manila sa iligal na droga.

Nabatid na isinagawa ang operasyon sa mga kal­sada ng Cubao, Balinta­wak, Delta, Tandang Sora at Fairview sa lungsod Que­zon kung saan lantaran ang mga adik sa pagsing­hot ng rugby. Tumagal ang ope­ras­yon ng hanggang mada­ling-araw ng Miyerkules.

Sinabi ni Supt. Jerome Baxinela, hepe ng PDEA-Na­tional Capital Region, ka­­ramihan sa kanilang dinampot ay pawang mga menor-de-edad.  Nakatak­dang ilipat ng PDEA ang kustodiya ng mga ito sa Department of Social Wel­fare and Development (DSWD) kung saan isasa­ilalim ang mga ito sa rehabilitasyon.

Ikukulong naman at sasampahan ng kaso sa pag-abuso sa droga ang mga dinampot na nasa legal na edad na.

Ang naturang operas­yon ay bilang bahagi ng programa ng PDEA na drug demand reduction at pagli­linis sa mga kalsada sa mga gumagamit ng iligal na droga.

Una nang sinisi ng PDEA sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan sa ka­walang aksyon sa lanta­rang paggamit ng mga ka­bataan sa rugby matapos na ipag-utos mismo ni Pa­ngulong Arroyo ang pagre­solba sa naturang prob­lema. (Danilo Garcia)

Show comments